Paglilipat-lipat para sa Ligtas na Tirahan
Paglilipat-lipat para sa Ligtas na Tirahan
Ang migrasyon ay ang paglipat ng paninirahan ng tao sa mula sa isang pook papunta sa ibang lugar. Bilang karagdagang detalye, ang migrasyon ay maaaring panandalian o pang-matagalan, pansamantala o permanente. Ito aynangyayari dahil sa iba't ibang mga rason.
Ang lumilipat patungo sa ibang pook upang doon na mahirahan ay tinatawag na migrasyon. Ang mga tao ay nagmimigrasyon patungo sa ibang bansa o lalawigan. Madaming dahilan ang mga tao kung bakit sila’y nagmimigrasyon papunta sa ibang lugar at ang pangunahing kadahilanan nga ay kahirapan ng bansa. Nakikita natin na madaming nagtratrabaho sa ibang bansa upang magkaroon ng malaking kita na hindi nila kinikita sa bansang Pilipinas. Ngunit iba ang rason ngayong ng mga tao kung bakit sila lumilipat sa ibang lugar. Laganap ngayon ang virus at tinatawag itong Covid-19. Nagdulot ito ng pandemya dahil ang virus na ito ay nagdudulot ng malubhang sakit. Halos lahat tayo ay takot madapuan ng virus. Kaya naman naiisipan ng mga ibang tao na lumipat na lang ng matitirhan para makaiwas sa virus. Kaligtasan ang iniisip ng karamihan. Kung hindi ka kikilos at mag-iingat tiyak na hindi ka rin mabubuhay. Ang pagsunod sa health protocols ay ang maaring gawin ng mga indibidwal.
Paglipat-lipat ng tirahan ito'y mahirap ngunit kailangan pagtiisan kaligtasan at kabuhayan ay ilan lamag sa dahilan.
Comments
Post a Comment